“Ang Alamat ng Selpon”
ni: Ma. Jaena A. Reolo
Noong unang panahon sa isang malayong lugar ay mayroong magkasintahan na nagngangalang Selya at Ponyo na labis na nagmamahalan at nangakong kailanma’y hindi maghihiwalay hanggang sa paglipas ng mga araw at sila nga’y nagkatuluyan.
Dala ng kahirapan napilitang umalis si Ponyo upang magtrabaho sa malayong lugar. Naiwang mag-isa at malungkot si Selya. Araw-araw niyang pinagmamasdan ang orasan at ang pagdaan ng mga araw. Siya ay nasasabik sa pagdating ng kanyang mahal na asawa. Subalit, sa labis na kalungkutan, unti-unting bumagsak ang katawan ni Selya dahil hirap siyang kumain at makatulog ng mag-isa.
Samantala, masayang-masaya si Ponyo sa kanyang pagbabalik sa sariling bayan at muling masilayan si Selya.
Ngunit, huli na ang lahat nang malaman na sumakabilang-buhay na si Selya sapagkat hindi kinaya ang labis na kalungkutan na nadarama at ang paghihintay kay Ponyo.
Nalungkot at napahagulgol si Ponyo. Sa labis na pagmamahal kay Selya siya’y nagpakamatay at habang patuloy sa pagluha nang kanyang mga mata ay kanyang nasambit na kung mayroon lang na isang bagay na magagamit upang lagi tayong nag-uusap kahit malayo tayo sa isa’t isa marahil hindi sana nangyari ito sa iyo mahal kong Selya.
Sa paglipas ng panahon ay may biglang lumitaw sa lugar na kung saan namatay si Selya at Ponyo. Ito’y isang maliit na bagay na walang buhay na mayroong pindutan at screen. Namangha at natuwa ang mga tao nang madiskubre nila na maaaring gamitin ang kakaibang bagay na iyon sa pakikipag-usap sa ibang tao kahit nasa malayong lugar.